- Dito ko na itatapos ang aking blog. Malaki rin ang naitulong ng aking blog upang mabalikan ulit ang mga talakayan mula pa sa Unang Markahan. Sa mga panitikan,sa ibat ibang bansa,ang mga epiko, tanka at haiku, at maging mga linikha ni Dr. Jose P. Rizal na"Noli Me Tangere". Napakasaya talaga dahil sa mga napakagandang talakayan at samahan pa ng napakakwelang guro. Alam ko na ang bawaat isa sa klase ay papasukin ang ikasampung baitang ngmay maraming kaalaman at ssaya na nakuha sa kasalukuyang baitang. Yun lamang po at maraming salamat!
Lunes, Pebrero 29, 2016
PAGTATAPOS
PASASALAMAT
Pasasalamat
- Sa mga nakabasa ng aking blog,nag papasalamat ako dahil nagbigay kayo ng kahit kunting oras upang bigyang pansin ang mga sinulat ko. Nais ko ring pasalamatan ang aming guro na siyang gumabay sa buong taon ng aming pag aaral sa ika siyam na baitang sa Filipino na si Ms. Johanie Balgemino-Ariola. Ipinapangako ko na gagitin ko ang mga itinuro niya upang gamit sa tamang pamamaraan o paggamit at maibahagi narin sa iba.
Noli Me Tangere
FILIPINO-9 HAWTHORNE
Lunes, Pebrero 29, 2016
Pagbubuod
Upang mas maunawaan panamin ang Noli Me Tangere ay magpapasa kami sa aming guro ng limang mahahalagang pangyayari at mahihirap ma mga salita sa bawat kabanata. Halos araw araw din kami may pagsusulit sa bawat kabanata 1-17. Kakiba namang pagsusulit ang ginawa namin sa mga kabanata 18-22 na kung saan hinati ang seksyon namin sa tatlong grupo. Ang bawat grupo ay may tigiisang miyembro na makikinig sa tanong ng aming guro at ipapasapasa ito hanggang sa huli ,at ang huling manlalaro ay maghahanap ng kahit anong bagay na may kinalaman sa sagot sa tanong.
Para saakin ang pagsusulit na ito ay hindi lang kailangan ma alam mo ang sagot,maging sa paraan ng pagpapakita na sumisimbolo sa sagot.
Ikaapat namarkahan
01/25/16
Nag ulat ang unang grupo tungkol sa Noli Me Tangere. Isang napakakwela na pag uulat ang ginamit nila. Inihawig nila ito sa larong Celebrity Bluff. Iniulat nila ang mga kabanata mula 1-18.
01-26-16
Ang ikalawang grupo kasama ako, iniulat namin ang mga kabanata 20-38. Ang bawat miyembro namin ay nabigayan ng tigdadalawang kabanata. Sa pagulat , may babasahin kaming mga buod at tutukuyin ng mga kaklase namin na hinati namin sa dalawang grupo kung ang tatlong buod na ginawa namin ay angkop sa isang partikular na kabanata.
01-27-16
Ginamit
Huling gawain
11-07-15
Ang huling gawain ng ikatlong markahan ay, binigyan kami ng aming guro ng labinlimang segundo upang isipin ang tao nakagalit namin at isusulat namin ang pangalan niya sa loob ng isang ginuhit na puso at lilinyahan namin ito sa gitna na parang "broken heart". Nag bigay naman ang aming guro ng ibaat ibang interpretasyon tungkol sa pagkakaguhit at agkakahaati namin ng puso. Isinulat ko doon ang pangalan ng aking kapatid. Sa ibaba naman ng iginuhit ay isusulat ang iyong pamamaraan kung paano mo maiibsan ang galit.
PAGTATANGHAL NG EPIKO
Rubrics para sa pagtataya ng Pagtatanghal ng kasuotan at Tauhan sa Epiko
Limang puntos para sa lubhang kasisya ,apat sa kasiya siya at tatlo sa hindi kasisiya
Sa kasuotan ay binigyan ko amg aking sarili ng -5
Sa props,pagkakaganap at kulturang pinalutong sa akda ay -4puntos
Kabuuan17/20.
Isang Informance ang ginamit nin sa pagtatanghal ng epiko, ma kung saan ang mga gaganap ay ay ang siya mismong hindi magsasalita sapagkat ang totoong nagbibigay ng mga konbersasyon ay nasa likod ng mga kurtina.
Pinili naming itanghal ang epikong BIAG NI LAM-ANG.
INDIA
India
3/4, ya'n ang nakuha kong iskor tungkol sa pagtukoy ng mga larawan tungkol sa bansang India. Ang unang larawan ay nakuha ko hamggang sa bilang tatlo. Ang mga larawan ay si Mother Theresa, ang Taj-Mahal, ang bansang India , at ang ikaapat ay hindi ko nakuha. Ito ay isang larawan ng babae na parang nagdarasal.
Bilang parte naman ng talakayan sa India, pinagawa kami ng aming guro ng isang laro na may kinalaman parin sa bansa. Ang ibang grupo ay gumamit ng mga larawan; upang malaro ito ay kailangan ng dalawang manlalaro. At upang matukoy ang panalo, kung sinoang manlalaro na kayang abutin ang susunod na larawan at ang katunngali nito ay hindi na kaya, siya ang tatanghaling panalo.. Ang iba namang grupo ay gumamit ng mga tela, para itong agawan. Habang kami ay gumawa na parang board game na pinangalanang TRIP TO NIRVANA. Ang bawat grupo ng manlalarong ito ay bibigyan ng mga tanong. May kailangan karing sunding mga batas, may mga bonus rin. Pero pag mas marami kang alam sa India ay magigi itong bentahe sa iyong grupo.
ANTICIPATION-REACTION GUIDE
Anticipation- Reaction Guide
11/12/15
Malalaman mo sa gawaing ito kung hanggang saan na ng iyong kaaalam tungkol sa mga panitikan lalong-lalo na sa Kanlurang Asya. At pagkatapos ng inyong talakayan ay sasagutin mo ulit ang gawain upang malaman mo kung ano na talaga ang mga alam mo. At ang mga pangungusap na ibinigay ay:
- Sa panitikan nasasalamin ang kultura ng isang bansa.
- Mag kaugnay ang panitikan at kasaysayan ng isang bansa.
- Walang sinaunang akdang pampanitikan ang mga taga-kanlurang Asya.
- Sa pamamagitan ng mha akdang pampanitikan, mauunawaan mo ang kultura at tradisyon ng isang bansa.
- Ang mga akdang pampanitikan ay nagpapakilala sa pagigiging bansa.
- Malalakbay natin ang isang bansa sa pamamgitan ng mga akdang pampanitikan.
- Mababatid natin sa akdang pampanitikan ang paniniwala, tradisyon, at pamumuhay ng isang bansa.
Huwebes, Pebrero 25, 2016
IKATLONG MARKAHAN
Lebanon
Ang Lebanon ay ang bansang napili kong gawan ng sanayasay. Ipinakita kp dito ang kagandahan ng Lebanon , lalong lalo na ang kanilang "cedar tree" . Akin ring linagay dito kung bakit ko gusto mapuntahan ang bansang ito at ang kultura at tradisyon...
LEBANON
Isa sa mga bansa sa Kanlurang Asya na nais kong mapuntahan ay ang Lebanon. Kung mabibigyan ako ng pagkakataon, nais kong masksihan ang kagandahan at mayamang kultura nito. Nais kong makisama sa sistema ng kanilang pamumuhay at gusto kong maramdaman ang kasiyahan sa pananatili sa isang maliit ngunit mabundok na bansa.
Napakadaming mga bagay ang nagbibigay kagandahan sa Lebanon. Hinahangaan rin ito ng ibat ibang bansa katulad ng Sirya at Isarel. Nais kong mabisita ito upang aking mapuntahan ang mga lugar na maging bahagi ng mayaman nilang kasaysayan. Kasama na dito ang mga lugar na kung saa umusbobg ang mga imperyo at kabihasnan.
Naging napakaganda rin takbo ng ekonomiya nila. Ikinukumpara narin ang kabisera nitong Beirut sa bansang Switzerland. At kahit sa pagkakaroon ng mga digmaan ay nagpatuloy parin ang pamumuhay at pag unlad ng bansa. Ngunit bagi dumating ang mga ganitong giyera ay tumatamasa sila ng kapayapaan, kaunlaran, masganang turismo at magandang pakikipgkalakalan.
Nabigyan rin ng ragalo ang nansang Lebanon ng magagandang lugar o tanawin. Matatagpuan dito ang "cedar tree" na ang siyang makikita na nnakaguhit sa kanilang watawat. Nandito rin ang napakagadang tanawin habang unti-unting lumulubog ang araw o "sunset" . At tiungkol naman saga bagay na may kinalaman sa kanilang mayamang mga sinaunang tradisyon at rehiliyon, marami silang ginawang museo at mga exhibit upang maitampok ito sa iba. Makakasalubong mo rin dito ang nnaggagandahang mosque ng Beirut. Makikita dito ang mga taong nagpapahslaga sa biuaya at kagandahan ng kaanilang bansa. At fahil gusto kong mapuntahan ang Lebanon, pinapangarap ko rin na mapanatili ng mga mamamayan dito ang mga kamangmanghang tanawin sa kanilang bansa.
Kabuuan
Ikalawang Markahan
Marami akong natutuhan sa Markahang ito. Isa sa mga nagustuhan ko ay ang talakayan tunkol samga literatura, kultura, at tradisyon ng Japan. Tanka at Haiku ay naging malaking tulong saakin. Naging masaya rin ang mga usapan ng klase sa mga pabula . Mapapamahal karin talaga sa mga talakayan sa bansang Japan. Kagaya rin ng ating bansa, mayroon ring mayamang literatura ang Japan kaya ito mas lalo naging masayang pagusapan.
PAGSUSULIT
Pagsusulit tungkol sa bansang Japan
Isang pagsusulit ang ibinigay saamin sa paraang pagpapakita ng aming guro ng isang larawan, at aming tutukuyin kung ano man ang ipinapakita ng larawan. Para saakin hindi lang ito pagsusulit sapagkat marami akong natutuhan tungkol sa kultura at trdisyon ng Japan. Masasabi mo ring hindi lang mayaman ang Japan pagdating sa teknolohiya maging sa paraan din ng kanilang pamumuhay.
Nagkaroon din kami ng Pagbabahagi ng mga bagay na alam nani n tungkol sa Japan. Bawat isa saamin magbibigay ng ibat ibang impormasyong mayroon lami. Marami rin akong natutuhan sa mga kaklase ko. Ako namay nagbigy kaalaman tungkol sa KABUKI ng Japan.
Sabado, Pebrero 6, 2016
KUNEHO AT PAGONG(GAWAIN 1)
Kuneho at Pagong
IGUHIT MO
Isa itong gawain na pipili kang karakter sa binasang pabula at ihahalintulado ito s iyong sarili. At ang napilinko ay ang pagon.
Napili ko itong sumisimbolo sa akin dahil nagpapakita ito na kahit gaano kshirap ang isang paligsahan o karera sa buhay, maging ikaw man ang dehado, ay hindi ako basta nalang sumusuko hanggang marating ang dulo. Sinisimbolo din nito na kailangan mong maging matatag at tiisin ang kahit ano upang magwagi at malampasan ang lahat ng paghihirao mo.
IKALAWANG MARKAHAN
Pag-bibigay ng paksa at mensahe sa Tanka at Haiku
May mga halimbawa ng tanka at haiku amg aming binasa; at bilang gawain ginawan namin ito ng pakasa at kung anumang mensahe ang nais ipahiwatig ng ng dalawang anyo ng tula. At sa mga sumunod pang mga gawain, aming ipinaghambing ang mga pagkakaiba at pagkakatulad ng tanka at haiku.
PAGKAKAIBA:
(Tanka)-Mas mahaba kaysa sa haiku.
-Mayroong tiyak na bilang na 31 na pantig
(Haiku)-Masaikli kaysa tnka
-Bagong anyo na pagbuo ng tula
-Binubuo ng 17 pantig
PAGKAKATULAD:
Panitikan ng hapon
Nagbibigay ng mensahe
Anyo ng tula
Naghahayag ng masidhing damdamin
Miyerkules, Enero 20, 2016
Ikatlong Markahan
Panimulang Pagtataya
11/5/15
Sa araw na ito nagkaroon kaming paunang pahtataya upang masubukan kung hanggang saan na ang aming nalalaman.
Isa itong pagsusulit na hangang 33 aytem . Sa pagtatayang ito nakakuha ako nang 21 na puntos. At sa bilang 34-50 kailangan naming gumawa ng sanaysay tungkol sa mapipili naming bansa sa timog silangan. Napili ko amg bannsang LEBANON at nakakuha ako dito ng 17 puntos kaya sa kabuuang puntos nakakuha ako ng 38/50.
Mga Gawain
Gawain6&7
(Hulyo 2015)
(Hulyo 2015)
Bilang gawain 6 aming sinuri ang dalawang sanaysay kung itoy pormal o hindi., samatala ang gawain 7 ay tunkol sa mga pariralang bibigyang kahulugan.
TAKDANG ARALIN
Hulyo 2015
Character Mapping(takdang aralin)
Sa takdang aralin na ito ay aking ipinaghambing ang mga pinagkakaiba o pagkakapareho ni Sitti Nurhaliza at ang kapatid kong si Shan Rose.
Gawain 1, 2 ,3 ,4 at 5
Sa gawain 1 ipinagawa saamin ang ang paghahambing ng pamumuhay noon at sa pamumuhay ngayo.
Sa gawain 2 iginamit namin ang gawain 1 upang mailapat sa gawain 2 sa isang Venn Diagram
Sa gawain3, isang paghahsmbing naman ito sa pamamarraan ng pamamahala ng Indonesi at Pilipinas
Sa gawain4, isang gawaing pagbibigay kahulugan at pag tatapos ng isang pangungusap
At Sa gawain5 , gumawa kami ng ng pagatatala tungkol sa mga ugali ng Javanese.
Gawain
Hulyo 2015
Sa araw na ito nagsulatkami ng mga mahahalagang bagay tungkol sa Tula at iElehiya. Naglalaman din dito ang mga uri ng tula tulad ng Mapaglarawan, mapagpanuto, mapangaliw, at mapanguroy. At pagkatapos nito nabigyan kami ng Takdang aralin sa CHARACTER MAPPING.
Sa araw na ito nagsulatkami ng mga mahahalagang bagay tungkol sa Tula at iElehiya. Naglalaman din dito ang mga uri ng tula tulad ng Mapaglarawan, mapagpanuto, mapangaliw, at mapanguroy. At pagkatapos nito nabigyan kami ng Takdang aralin sa CHARACTER MAPPING.
Elehiya para kat Ram
Balde ng kaalaman
7/9/15
Sa araw na ito gumawa kami ng pop-up na balde, at sa loob nito ay ilalagay namin ang anumang salitang maglalarawan sa nabasang elihiya.At ang mga nasulat kung salita ay ang:
- Kalungkutan
- Kamusmusan
- Pagsubok
- Pangungulila
- Hamon
Aking sinagot ito batay sa elihiya. At iyo ay: Para saakin , ang san
PAGSASALAYSAY NG ALAMAT
7/9/15
BATO, BATO PAANO KA NABUO?
Nagkaroon kami sa araw na ito ng paglalahad ng nabuo naming alamat sa kung sino mang mapipili ning estudyante sa ika-10 baitang.Aking napagkuwentuhan si Mark Resty Bitancur ng 10-Selene. Nakaramdam ako ng kaba ngunit habang patuloy akong nagkukuwento magkakaroon narin ako ng tiwala saking sarili. Naitapos ko ang paglalahad ng buong husay ko. At bago paman ako umalis sa silid na aming nagamit binigyan ako ni Resty ng ilang komento. Isinulat niya ito sa isang maliit na papel. Nakapaloob dito ang kanyang puna na: Maganda ang pakakalahad at malinaw ang pakakabasa ngunit kulang pa sa emosyon. At bilang maka binigyan niya ako ng 12 puntos at ito ang kanyang naging basehan.
PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA NG MALIKHAING PAGSASALAYSAY NG ALAMAT
- Malikahaing pagsasalaysay-3/5
- Paraan ng pagsasalaysay-5/5
- Dating sa tagapakinig-4/5=12/15
Martes, Enero 19, 2016
Alamat
January 2015
Skeleton ng aking alamat
Bato bato, paano ka nabuo?
Bilang gabay sa paggawa ng istorya sa isang alamat, pinagawa kami ng guro namin ng "skeleton ng alamat"
CHARACTER1 :BABA
- CMasama matigas ang ulo
- Hindi naawa sa ibang tao
- Nambubulas
- Magaspang
CHARACTER2: TOTO
- Iniisip ang nakabubuti
- Mabuting apo
- Mabait
- Matibay
- Makinis
Sa paggawa ng skelton, aming sinunod ang paggawa naman ng banhay ng magiging alamat...
SIMULA:
Magkapatid sina Toto at Baba. Mabait si Toto at kabaliktaran naman si Baba
GITNA:
Ikinuwento ng lola nila na maari silang humiling sa gintong balahibo ng kahit anong ninanais nila.
KAKALASAN:
Inagaw ni Baba kay Toto ang balahibo dahil ayaw niya ang hiniling nito.
KASUKDULAN:
Naging batong makinis si Toto dahil hindi niya sinunod dng lola, at pato rin si Baba dahil nasakanya ang bakahibo.
WAKAS:
Pareho silang naging bato.
At sa pamamagitan ng Skeleton at Banghay aming nabuo ang Alamat.
Anim na Sabado ng Beyblade
Anim na Sabado ngBeyblade
6/16/15
Sariling Paggawa Ng Wakas :
Sa ikaanim na Sabado naranasan ni Rebo ang mas malaya o mas masayang buhay at mas magiging ligtas sa isang lugar na hindi kailanman siya magigiging malungkot, at ang kanyang naiwang pamilya ay magigiging masaya hindi dahil namatay si Rebo ngunit dahil alam nila na hindi kailanman maghihirap siya sa kinalalagyan niya ngayon, subalit hindi parin nila agad agad maikailaang lungkot.
* Sa araw na ito pinagaw kami ng sariling pananaw kung paano namin bibigyang wakas ang ANIM NA SABADO NG BEYBLADE at ang nagawa ko ay nasa taas...
Karugtong ng Si Mabuti
Karugtong ng Si Mabuti Simula:Sa sulok ng silid aklatan, bandang hapon natagpuanni Ms.Mabuti si Fe kung bakit ito umiiyak , at nagkaroon sila ng lihim na pakikipagkaibigan.
Gitna:Naikuwento ni Fe na gusto niyangmaging manggagamot tulad ng kanyang ama.
Wakas:Napagtanto ni Fe ang tumay na problema ni Mabuti ng malaman niya na natay ang anak nito.
Gitna:Naikuwento ni Fe na gusto niyangmaging manggagamot tulad ng kanyang ama.
Wakas:Napagtanto ni Fe ang tumay na problema ni Mabuti ng malaman niya na natay ang anak nito.
6/16/15
Fan -Fact Analyzer
PAGSUNOD-SUNOD NG PANGYAYARI
1.Pag abang ng mga anak sa ama tuwing uuwi at hihintay ang brownna supot.
2. Pagdating ng ama sa bahay na mas lasinh at itinatatago naman ng mga anak si Mui-mui dahil sa iyak nitong kinaiinisan ng ama.
3. Natanggal ang ama sa trabaho na dahilan upang uminit ang ulo nito
4. Napagbuntungan ng ama ng galiy si Mui-mui at nasakatan ito.
5. Nakaraan ang dalawang araw at namatay si Mui-mui .
6. Bumisita ang amo ng ama at nakiramay sa kanila at binalik sa trabaho ang tatay nila.
7. Nalinawan ang ama at binigyan si Mui- mui ng regalo sa puntod nito.
TAUHAN:
Mui mui, ama, ina at mga anak
TAGPUAN:
Sa bahay
ARAL:
Maging responsable sa lahat ng bagay.
Unang Markahan
SI MABUTI
6/16/15
Sa araw na ito nagkaroon kami ng gawain tunkol sa istorya ng "Si Mabuti". Ginawan namin ng Graphic Organizer ang simula, gitna at wakas na pangyayari sa istorya.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)