Lunes, Pebrero 29, 2016

INDIA

India
3/4, ya'n ang nakuha kong iskor tungkol sa pagtukoy ng mga larawan tungkol sa bansang India. Ang unang larawan ay nakuha ko hamggang sa bilang tatlo. Ang mga larawan ay si Mother Theresa, ang Taj-Mahal, ang bansang India , at ang ikaapat ay hindi ko nakuha. Ito ay isang larawan ng babae na parang nagdarasal. 
Bilang parte naman ng talakayan sa India, pinagawa kami ng aming guro ng isang laro na may kinalaman parin sa bansa. Ang ibang grupo ay gumamit ng mga larawan; upang malaro ito ay kailangan ng  dalawang manlalaro. At upang matukoy ang panalo, kung sinoang manlalaro na kayang abutin ang susunod na larawan at ang katunngali nito ay hindi na kaya, siya ang tatanghaling panalo.. Ang iba namang grupo ay gumamit ng mga tela, para itong agawan. Habang kami ay gumawa na parang board game na pinangalanang TRIP TO NIRVANA. Ang bawat grupo ng manlalarong ito ay bibigyan ng mga tanong. May kailangan karing sunding mga batas, may mga bonus rin. Pero pag mas marami kang alam sa India ay magigi itong bentahe sa iyong grupo.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento