Lunes, Pebrero 29, 2016

PAGTATAPOS

  • Dito ko na itatapos ang aking blog. Malaki rin ang naitulong ng aking blog upang mabalikan ulit ang mga talakayan mula pa sa Unang Markahan. Sa mga panitikan,sa ibat ibang bansa,ang mga epiko,  tanka at haiku, at maging mga linikha ni Dr. Jose P. Rizal na"Noli Me Tangere". Napakasaya talaga dahil sa mga napakagandang talakayan at samahan pa ng napakakwelang guro. Alam ko na ang bawaat isa sa klase ay papasukin ang ikasampung baitang ngmay maraming kaalaman at ssaya na nakuha sa kasalukuyang baitang. Yun lamang po at maraming salamat!

PASASALAMAT

Pasasalamat

  • Sa  mga nakabasa ng aking blog,nag papasalamat ako dahil nagbigay kayo ng kahit kunting oras upang bigyang pansin ang mga sinulat ko. Nais ko ring pasalamatan ang aming guro na siyang gumabay sa buong taon ng aming pag aaral sa ika siyam na baitang sa Filipino na si Ms. Johanie Balgemino-Ariola. Ipinapangako ko na gagitin ko ang mga itinuro niya upang gamit sa tamang pamamaraan o paggamit at maibahagi narin sa iba.

Noli Me Tangere


FILIPINO-9 HAWTHORNE
Lunes, Pebrero 29, 2016
Pagbubuod
Upang mas maunawaan panamin ang Noli Me Tangere ay magpapasa kami sa aming guro ng limang mahahalagang pangyayari at mahihirap ma mga salita  sa bawat kabanata. Halos araw araw din kami may pagsusulit  sa bawat kabanata 1-17.  Kakiba namang pagsusulit ang ginawa namin sa mga kabanata 18-22 na kung saan hinati ang seksyon namin sa tatlong grupo. Ang bawat grupo ay may tigiisang miyembro na makikinig sa tanong ng aming guro at ipapasapasa ito hanggang sa huli ,at ang huling manlalaro ay maghahanap ng kahit anong bagay na may kinalaman sa sagot sa tanong.
Para saakin ang pagsusulit na ito ay hindi lang kailangan ma alam mo ang sagot,maging sa paraan ng pagpapakita na sumisimbolo sa sagot.

Ikaapat namarkahan

01/25/16
Nag ulat ang unang grupo tungkol sa Noli Me Tangere. Isang napakakwela na pag uulat ang ginamit nila. Inihawig nila ito sa larong Celebrity Bluff. Iniulat nila ang mga kabanata mula 1-18.

01-26-16
Ang ikalawang grupo kasama ako, iniulat namin ang mga kabanata 20-38. Ang bawat miyembro namin ay nabigayan ng tigdadalawang kabanata. Sa pagulat , may babasahin kaming mga buod at tutukuyin ng mga kaklase namin na hinati namin sa dalawang grupo kung ang tatlong buod na ginawa namin ay angkop sa isang partikular na kabanata.
01-27-16
Ginamit 

Huling gawain

11-07-15
Ang huling gawain ng ikatlong markahan ay, binigyan kami ng aming guro ng labinlimang segundo upang isipin ang tao nakagalit namin at isusulat namin ang pangalan niya sa loob ng isang ginuhit na puso at lilinyahan namin ito sa gitna na parang "broken heart". Nag bigay naman ang aming guro ng ibaat ibang interpretasyon tungkol sa pagkakaguhit at agkakahaati namin ng puso. Isinulat ko doon ang pangalan ng aking kapatid. Sa ibaba naman ng iginuhit ay isusulat ang iyong pamamaraan kung paano mo maiibsan ang galit.

PAGTATANGHAL NG EPIKO

Rubrics para sa pagtataya ng Pagtatanghal ng kasuotan at Tauhan sa Epiko
Limang puntos para sa lubhang kasisya ,apat sa kasiya siya at tatlo sa hindi kasisiya
Sa kasuotan ay binigyan ko amg aking sarili ng -5
Sa props,pagkakaganap at kulturang pinalutong sa akda ay -4puntos
Kabuuan17/20.

Isang Informance ang ginamit nin sa pagtatanghal  ng epiko, ma kung saan ang mga gaganap ay ay ang siya mismong hindi magsasalita sapagkat ang totoong nagbibigay ng mga konbersasyon ay nasa likod ng mga kurtina. 
Pinili naming itanghal ang epikong BIAG NI LAM-ANG.

INDIA

India
3/4, ya'n ang nakuha kong iskor tungkol sa pagtukoy ng mga larawan tungkol sa bansang India. Ang unang larawan ay nakuha ko hamggang sa bilang tatlo. Ang mga larawan ay si Mother Theresa, ang Taj-Mahal, ang bansang India , at ang ikaapat ay hindi ko nakuha. Ito ay isang larawan ng babae na parang nagdarasal. 
Bilang parte naman ng talakayan sa India, pinagawa kami ng aming guro ng isang laro na may kinalaman parin sa bansa. Ang ibang grupo ay gumamit ng mga larawan; upang malaro ito ay kailangan ng  dalawang manlalaro. At upang matukoy ang panalo, kung sinoang manlalaro na kayang abutin ang susunod na larawan at ang katunngali nito ay hindi na kaya, siya ang tatanghaling panalo.. Ang iba namang grupo ay gumamit ng mga tela, para itong agawan. Habang kami ay gumawa na parang board game na pinangalanang TRIP TO NIRVANA. Ang bawat grupo ng manlalarong ito ay bibigyan ng mga tanong. May kailangan karing sunding mga batas, may mga bonus rin. Pero pag mas marami kang alam sa India ay magigi itong bentahe sa iyong grupo.

ANTICIPATION-REACTION GUIDE

Anticipation- Reaction Guide
11/12/15
Malalaman mo sa gawaing ito kung hanggang saan na ng iyong kaaalam  tungkol sa mga panitikan lalong-lalo na sa Kanlurang Asya. At pagkatapos ng inyong talakayan ay sasagutin mo ulit ang gawain upang malaman mo kung ano na talaga ang mga alam mo. At ang mga pangungusap na ibinigay ay:
  • Sa panitikan nasasalamin ang kultura ng isang bansa.
  • Mag kaugnay ang panitikan at kasaysayan ng isang bansa.
  • Walang sinaunang akdang pampanitikan ang mga taga-kanlurang Asya.
  • Sa pamamagitan ng mha akdang pampanitikan, mauunawaan mo ang kultura at tradisyon ng isang bansa.
  • Ang mga akdang pampanitikan ay nagpapakilala sa pagigiging bansa.
  • Malalakbay natin ang isang bansa sa pamamgitan ng mga akdang pampanitikan.
  • Mababatid natin sa akdang pampanitikan ang paniniwala, tradisyon, at pamumuhay ng isang bansa.

Huwebes, Pebrero 25, 2016

IKATLONG MARKAHAN

Lebanon
Ang Lebanon ay ang bansang napili kong gawan ng sanayasay.  Ipinakita kp dito ang kagandahan ng Lebanon , lalong lalo na ang kanilang "cedar tree" . Akin ring linagay dito kung bakit ko gusto mapuntahan ang bansang ito at ang kultura at tradisyon...





LEBANON
Isa sa mga bansa sa Kanlurang Asya na nais kong mapuntahan ay ang Lebanon. Kung mabibigyan ako ng pagkakataon, nais kong masksihan ang kagandahan at mayamang kultura nito. Nais kong makisama sa sistema ng kanilang pamumuhay at gusto kong maramdaman ang kasiyahan sa pananatili sa isang maliit ngunit mabundok na bansa.
Napakadaming mga bagay ang nagbibigay kagandahan sa Lebanon. Hinahangaan rin ito ng ibat ibang bansa katulad ng Sirya at Isarel. Nais kong mabisita ito upang aking mapuntahan ang mga lugar na maging bahagi ng mayaman nilang kasaysayan. Kasama na dito ang mga lugar na kung saa umusbobg ang mga imperyo at kabihasnan.
Naging napakaganda rin takbo ng ekonomiya nila. Ikinukumpara narin ang kabisera nitong Beirut sa bansang Switzerland. At kahit sa pagkakaroon ng mga digmaan ay nagpatuloy parin ang pamumuhay at pag unlad ng bansa. Ngunit bagi dumating ang mga ganitong giyera ay tumatamasa sila ng kapayapaan, kaunlaran, masganang turismo at magandang pakikipgkalakalan.
Nabigyan rin ng ragalo ang nansang Lebanon ng magagandang lugar o tanawin. Matatagpuan dito ang "cedar tree"  na ang siyang makikita na nnakaguhit sa kanilang watawat. Nandito rin ang napakagadang tanawin habang unti-unting lumulubog ang araw o "sunset" . At tiungkol naman saga bagay na may kinalaman sa kanilang mayamang mga sinaunang tradisyon at rehiliyon, marami silang ginawang museo at mga exhibit upang maitampok ito sa iba. Makakasalubong mo rin dito ang nnaggagandahang mosque ng Beirut. Makikita dito ang mga taong nagpapahslaga sa biuaya at kagandahan ng kaanilang bansa. At fahil gusto kong mapuntahan ang Lebanon, pinapangarap ko rin na mapanatili ng mga mamamayan dito ang mga kamangmanghang tanawin sa kanilang bansa.

Kabuuan

Ikalawang Markahan

Marami akong natutuhan sa Markahang ito. Isa sa mga nagustuhan ko ay ang talakayan tunkol samga literatura, kultura, at tradisyon ng Japan. Tanka at Haiku ay naging malaking tulong saakin. Naging masaya rin ang mga usapan ng klase sa mga pabula . Mapapamahal karin talaga sa mga talakayan sa bansang Japan. Kagaya rin ng ating bansa, mayroon ring mayamang literatura ang Japan kaya ito mas lalo naging masayang pagusapan.

PAGSUSULIT

Pagsusulit tungkol sa bansang Japan
Isang pagsusulit ang ibinigay saamin sa paraang pagpapakita ng aming guro ng isang larawan, at aming tutukuyin kung ano man ang ipinapakita ng larawan.  Para saakin hindi lang ito pagsusulit sapagkat marami akong natutuhan tungkol sa kultura at trdisyon ng Japan. Masasabi mo ring hindi lang mayaman ang Japan pagdating sa teknolohiya maging sa paraan din ng kanilang pamumuhay. 
Nagkaroon din kami ng Pagbabahagi ng mga bagay na alam nani n tungkol sa Japan. Bawat isa saamin magbibigay ng ibat ibang impormasyong mayroon lami. Marami rin akong natutuhan sa mga kaklase ko. Ako namay nagbigy kaalaman tungkol sa KABUKI ng Japan.

Sabado, Pebrero 6, 2016

KUNEHO AT PAGONG(GAWAIN 1)

Kuneho at Pagong
IGUHIT MO
Isa itong gawain na pipili kang karakter sa binasang pabula at ihahalintulado ito s iyong sarili. At ang napilinko ay ang pagon.


Napili ko itong sumisimbolo sa akin dahil nagpapakita ito na kahit gaano kshirap ang isang paligsahan o karera sa buhay, maging ikaw man ang dehado, ay hindi ako basta nalang sumusuko hanggang marating ang dulo. Sinisimbolo din nito na kailangan mong maging matatag at tiisin ang kahit ano upang magwagi at malampasan ang lahat ng paghihirao mo.







IKALAWANG MARKAHAN

Pag-bibigay ng paksa at mensahe sa Tanka at Haiku
May mga halimbawa ng tanka at haiku amg aming binasa; at bilang gawain ginawan namin ito ng pakasa at kung anumang mensahe ang nais ipahiwatig ng ng dalawang anyo ng tula. At sa mga sumunod pang mga gawain, aming ipinaghambing ang mga pagkakaiba at pagkakatulad ng tanka at haiku. 
PAGKAKAIBA:
(Tanka)-Mas mahaba kaysa sa haiku.
-Mayroong tiyak na bilang na 31 na pantig
(Haiku)-Masaikli kaysa tnka
-Bagong anyo na pagbuo ng tula
-Binubuo ng 17 pantig
PAGKAKATULAD:
Panitikan ng hapon
Nagbibigay ng mensahe
Anyo ng tula
Naghahayag ng masidhing damdamin